Wednesday, September 14, 2005

phoneyworld.com


cellular phones, cell phones, mobile phones which ever is the most right word to call this gadget has become a basic necessity nowadays kung wala kang phone eh parang nawawala ka sa sibilisasyon.well marami nga din namang nagagawang mabuti ang cellfone sa buhay nga mga tao ngayon lalo na sa mga pinoy na siyang numero unong tumatangkilik sa teknolohiyang ito. for one, eh napaka convenient nga naman pag me cellphone ka dahil isang "wer u?" mo lang sa halagang isang piso eh malalaman mo na kung asan ang taong hinahanap mo. di mo na rin (o ang nanay at tatay mo) kelangang umabot sa di pagkakaintindihan sa telgrama para lang makahingi ng alawans.

pero dagdag gastos din ang pagkakaroon ng cellfone dahil kelangan mong mag load ng mag load at sa mga tulad kong naka plan eh di rin maiiwasang lumampas sa credit limit. at kapag nasira eh kelangan mong ipaayos o kung di na kakayanin eh bumili ng bago. ambilis din ng pagpapalit os shall i say pagpapalabas ng mga models ng mga kompanya ng cell phones. mula sa ala palupalong analog na tawag lamang eh dinagdagan ng sms na nooy pwede lang sa magkaparehong network at libre pa ang text noon. hanggang sa pinaliit.... tinanggalan ng antenna...mas lalong pinaliit...dinagdagan ng games....hanggang sa ginawang colored.... dinagdagan ng camera... di pa nasatisfy eh gumawa na rin ng telepono at mini kompyuter all in one!!
lahat ng ito ay tinangkilik nating mga pinoy.. pero sa lahat ng modelong naipalabas na nagdaan sa mga kamay ko lahat yun kung hindi man nasira eh nanakaw. gaya ngayon parang masisira yata itong aking cellfone dahil bigla bigla na lang namamatay tapos eh mag rerestart ulit.... sabi ni misty (na recently eh nasiraan din ng fone) eh nag crash daw ang whatever ng celfone.... haaay sana wag naman mangyari sa akin yun dahil wala pa akong pambili ng bago :)

No comments: