- English Bakery (station 2) - tomato and onion omelete, ang fish and chips lunch meal na pang-isahan daw pero pwede na para sa dalawang tao, samahan mo ng tuna vegetable salad, tapos mixed fruits shake, nasubukan ko rin ang muesli with yoghurt pero dahil super asim nung pineapple eh di ko naubos ang muesli syang at 75 pesoses din naman yun. Maraming mga foreigners ang dinadala ng mga tourist guides dito para ipasubok ang filipino breakfast na sini serve nila kaya ang itaas na bahagi ng stall nila eh para lang sa may bookings pero dahil lean season eh ngakaroon naman kami ng pagkakataong makakain sa upper dining area kahit pinoy kami at walang booking.
- True Food (station 2) - indian indian ang tema di lang ng pagkain kundi pati ang ambiance sa restaurant na ito. kapansin pansin ang malalaking yellow pillows na nakalapag sa banig na nasa bamboo sahig na kung napagod ka sa kakaswimming eh pwede kang humiga habang hinihintay ang order mong northern india set meal na me pipino at lamb curry na super duper anghang. truly pagpapawisan ka sa food nila....
- Hobbit House(d' mall station 2)- yep meron din sa bora gaya ng nasa malate! they serve the best crispy pata sa halos lahat ng nasubukan ko na not to include the warm accomodation u get from the hobbits themselves :) na 99% eh mga taga manila na nalayo sa pamilya dahil sa trabaho.
- Gastof (station 2)- well this restaurant is known for their yummy baby back ribs daw pero di yun ang natikman ko dito kundi ang fried prawn in garlic and butter at ang grilled kitang na masarap din naman.
- Jonah's Fruit Shakes(station1)- by the name itself eh na pa wow lang naman ako sa sarap ng moccha rhum at banana choco peanut shakes nila. nag boracay fest din ako (tuna sandwich na may may onions at tomato tapos me little american flag na nakatusok on top of the sandwich) medyo nga lang me kalayuan ang snack bar na ito na kelangan mo munang baybayin ang baybay para makarating dun... but it's worth it!
- El Centro (station 2) - ang free breakfast nila of toasted bread, honey at butter, scrambled egg eh ok naman pero ang talagang masarap eh ang mango juice nila na tlagang fresh mangoes ang ginawa at hindi ang nakasanayang gina canned mango juice
eto na lang muna at baka masira na tiyan nyo sa pagkain!
No comments:
Post a Comment