Saturday, July 02, 2005

kumento

ang comment na ito ay hindi naghahangad na makipag kumpetisyon kay ratatitat ito ay karugtong na rin ng mga kamalasan ko sa buhay...

habang binabasa ko kasi ang post niya tungkol sa kamanyakan ng ibang tao naisip ko rin ang aking naging karanasan sa mga nilalang na hindi mapigilan ang libido kaya kahit saan at kahit kelan ay nag paparaos... makailang ulit ko na ring naranasang pag batehan me nagyari sa jeep, merong sa isang restawrant, merong sa gym ng UP sugbu at gaya ng nasabi ni ratatitat hindi ko rin nakuhang mag react instead eh para bang ako pa ang nahihiya at nanlalamig dahil sa kalaswaang nakikita ko... ilang ulit na ring nangyari ne ma nahuling namboboso sa akin na kahit sa opisina ng davao habang ako eh naliligo eh me nakitang tao si ikabod na nasa labas ng pintuan ng banyo...

ilang ulit na ring napaaway ang mga barkada ko dahil sa hangaring ipagtanggol ako sa mga taong nambabastos sa akin at ang pinakamatindi at nakakahiya ay ang matigil ang isang street party dahil nakipagrambolan na ang mga kaibigan ko dun sa grupo ng nais sanang dakmain ang aking wetpu dinala silang lahat sa istasyon ng pulis at pati na rin ako dahil nga sa ako ang pinagmulan ng away.... sa sobrang hiya at inis ko dun sa gagong manyak napa ingles ako habang minumura ko sya parang eksena sa police report ng tv patrol tuloy ang nangyari...palagi na ring nangyayari na kinailangang namin ng mga kasama kong kaibigan na umalis o lumipat ng bar dahil sa merong nagpapadala ng drinks ne me ksamang notes na mga DOM sa akin na naging dahilan kung bakit si idak napapraning sa tuwing gumigimik kami na kaming dalawa lang.di namn ako malswang manamit at di namn siguro ako magaslaw kung kumilos me mga tao lang sigurong likas na bastusin gaya natin ratatitat hehehe

1 comment:

ikabod said...

not to discount the impact of abuse and molestation sa kababaihan, pero parang me gender disparity din sa impact ng ganitong pangyayari kapag lalaki ang nabiktima naman.

tulad kapag nagkwento ako na ginapang ako ng lalaki din habang ako eh nakatulog ng lasing, hindi ito nag-eelicit ng parehong reaction kapag ang kwento eh lasing na babae na ginapang ng isang lalaki.

ako rin eh, if for example merong babaeng nagbate sa harap ko (i mean yong hindi ko ka-sex ha) sa jeep, fastfood o gym, eh i would probably find that amusing.

the other night kasama ko ang kaibigan kong hapones na si mariko, sabi niya di siya mapalagay sa mga kwento na na-eencounter niya ng incest rape o sex abuse sa files ng chr kung saan siya nagre-research. hindi lang pa pala sa dami ng incidents kaya siya di mapalagay, kundi rin dahil kabaligtaran daw sa mga kaso dito sa pinas ang incest cases sa japan, dahil sa kanila mas mother and son daw ang involved.

hmmmm....interesting.