Saturday, July 16, 2005

anak ka ng ina mo

lumaki akong malapit sa tatay at ewan kung automatic ba talaga nangyayari sa mga close sa tatay na medyo malayo ang loob sa nanay. feling ko na lahat ng gusto kung mangyari eh yun naman ang ayaw ni mama at ang ayaw niya eh yun ang gusto kong mangyari (gets?) kaya tuloy walang araw na hindi kami nagkakatampuhan, although na appreciate namn nya na hindi ako nag tatalk back bsta nagdadabog na lang o di kaya ang all time favorite na hindi kakain at magkukulong sa kwarto.

kaya nung nauna na si erpats sa byaheng langit (kung doon man napupunta ang mga dead) right after the burial niyakap ako ni mama sabay sabing "wala na papa mo marami nang pagbabago lalo na sayo" at totoo nga a few months after nagkaroon ulit siya ng karelasyon na syempre eh inayawan ko thinking it was a kind of betrayal to the memories of my dad. nung pinakilala nya sa amin ang bagong jowa niya over lunch (na syempre nagluto siya ng yummy dishes) eh tinapunan ko ng singang na shrimps... actuali yung boung mesa... opo parang eksena sa movie.. sabay walk out kaya ang sunod na nangyari nag alsa balutan ang nanay ko at nagsama na sila ng jowa niya tiempo namn na college na ate ko kaya ako na lang at lola ko ang naiwan sa bahay. 1 taon din kaming di nag uusap ng nanay ko at di ako tumatanggap ng kahit na ano from her (buti na lang me naiwan na anda tatay ko for us hehehe) well sabi nga "time heals" kaya naging ok din kami at eventually natanggap ko na me stepdad na ako and it turned out na napakabuti niyang tao aside from the fact na marami siyang traits (pati itsura nila) na katulad ng papa ko. madalas nga pag nagkakasama kaming tatlo eh lagi akong sinasabihan na kamukha ko daw daddy ko :)

well para mas madali buhay...... nagbago nga mula ng mailibing papa ko ngayon mas close na ako ke mama dahil nakaka pag open up na ako sa kanya (close<->open ?) at kakatuwa dahil my opinions and ideas really matter to her now (plok plok)

recently nagkita kami dito sa manila (di na kami madalas magkita eh) at natuwa naman ako sa pagkikitang yun (dahil me xda na ako!) dahil marami kaming napagusapang mga bagay bagay. bago sya umuwi me binilin sya sa akin na me intro na "anak kita, nanay mo ako kaya makinig ka sa akin" eto mga bilin nya:

1. laging tumigin sa likod, harap at sa mga gilid dahil NGO worker ako
2. piliin maigi ang susunod na magiging ka relasyon
3. at sana wag akong maging matandang dalaga dahil knwong me daw eh malamang ganun ang magyayari, di bale na daw walang apo from me bsta alam niyang me asawa akong makakasama para di siya mag alala fro me kung sakali daw wala na siya
4. and that she loves and misses me so much kaya napilit niya akong ibigay muna sa kanya ang xda para papalitan ang unit sa globe dahil medyo me problema at para din daw ill have a reason to be in butuan at madalaw sila dahil di ko na nagagawa yun

lab yu ma and ur right anak mo ko so i better listen...

1 comment:

Anonymous said...

pwede na si jerbang na bagong karelasyon. hehehe. pinagpilian na. hahaha