hiwalay na kami ng karelasyon ko ng higit pitong taon... marami sa mga kaibigan at kakilala nami ang nagulat ng malaman nila, karamihan eh (kahit corny)hindi makapaniwala. probinsya kasi sa amin kaya halos lahat eh kakilala at halos lahat eh kamag anak kung sa termino ko pa nga eh "sharing electrons" dahil ang pinsan nya ay pinsan ng pinsan mo.... kaya marami ang para bagang na involve sa aming relasyon at halos lahat sila ay nag aakalang kami na daw talaga ang magkakatuluyan dahil masyado na kaming "close" (na ang talagang ibig sabihin eh inaasahan na nilang nakapag sex na kami)
alam kung maraming mga rason silang iniisip kung bakit ganito ang nangyari at isa na dyan ang pag aakala nilang merong isa sa amin na nakahanap ng bagong mamahalin na kung sa sosyal na pagkasabi eh third party... pero we don't owe them an explanation kaya bahala na sila kung ano isipin nila
pinili kong wakasan ang isang relasyon na kung iisipin namn talaga eh pwedeng panghinayangan (sa tagal at dahil mabait din namn ang karelasyon ko) dahil tingin namin pareho eh hindi na "healthy", hindi na nakakapg bigay ligaya kundi nakakasakal na! oo nga at naiyak ako sa dumaguete dahil sa pag aakalang ngkasundo na kami sa desisyong maghiwalay pero hindi pa pala dahil sinigil pa ako naparatangang me ksalanan sa lahat ng nangyari pero sa kalaunan eh naging ok din namn at sinabi niyang naiintindihan na rin nya.
hindi pa agad dun natapos dahil kahit ok na kami ng ex ko eh humirit ang aking mahal na lola at nagtampo sa biglaang desisyon ko daw kaya kinailangan ko pa siyang lambingin at dalhin sa parlor at pgkatapos ay tinreat ng snacks at kausapin para ipaliwanag at gaya ng ex ko eh naintindihan naman ako...
ngayon im officially single and enjoying it.... wala ng kailangang paliwanagan at pakiusapan :>
3 comments:
masaya ako para sa 'yo, che! :)
ay, wala nang abangan ang susunod na kabanata?
sana wala na...
Post a Comment