Wednesday, December 05, 2007

pasko,paksiw,pasko,paksiw

mel and i promised ourselves to go veggie next year and that's about 3 weeks more, in 2008 no more red meat for the two of us... next year pa palilipasin na muna namin ang pasko lalo na me gift certificate kami from purefoods na 300 pesos worth of fiesta ham, a gift from electrolux kasi umutang kami ng ref nila. sayang naman yun sa dami ba namang pinoy na di maka afford ng hamon sa pasko?!

so next year susubukan kong mag gym... seseryosohin ko na ang sabado badminton sessions ko...

promise promise...

Monday, August 27, 2007

tiil

a pampering foot spa.....

nice pedicure....

and new havaianas.....

saya!

Monday, July 02, 2007

aroma

salamat mel....

sa bagong bahay natin na sabi mo nga eh work in progress....

sa maaga mong birthday gift na napa kontrobersyal, madrama at maeksenang cofeemaker... kahit di natin nabili ang braun eh gusto ko pa rin yung nabili natin...

dahil hinayaan mo akong mag flare up at mag lecture ng consumers rights dun sa mga tindera sa ororama na nilinlang tayo na bagong design ng braun eh di na kelangan ng filter yun pala eh paper filter ang kelangan

for telling me na sexy naman ako pero mas lalo pang maging sexy kung subukan ko lang mag excercise at magbawas ng taba kahit konti lng..

for making me wanna come home and share a coffee or a champorado with you..

dahil kahit nung minsan na nag walk out ako dahil sa asar sa yo eh binigay mo pa rin ang susi sa bahay para di naman ako mag mukhang tanga at tumunganga sa bahay para hintayin ka dahil di pala ako makapasok..

for spoiling me at hinayaan mo ang layaw ko na bumili ng pirated na b-day album ni beyonce at bagong album ni norah jones kahit alam mong wala na tayo sa budget...

daghang salamat sa pagpangga akong pinangga!

Thursday, March 08, 2007

li'l bora









they called this place LITTLE BORA somewhere in the municipality of Sta. Maria, Davao del Sur

Sunday, February 11, 2007

kitakits

nakakatuwa naman nung nag kita kita kami ulit ng mga dati kong nakatrabaho. di man masyadong mahaba ang panahon ng pinagsamahan namin eh ok din pala pakiramdam na makita mo ang mga taong di mo man naging "crowd" nung panahon eh at least napangiti ka pa rin ng muli kayong nagkita.... andami ng naging kwentuhan update dito update doon, me mga nasagap na bagong tsismis. syempre di nawala ang "flashback" ng mga moments na pinagsamahan, me tinawanan, me tinaasan ng kilay, me piniling ibaon sa limot at ang iba eh pinag nilay nilayan. the bottom line eh pare parehong me natutunan sa mga napag daanan.

it is so nice to know that we are all happy!

Friday, February 02, 2007

SI COCOY!

Its supposedly his ninth month inside nanay's tummy, but he was gotten out of there earlier so its his first month on earth!





Tuesday, January 02, 2007

Monday, January 01, 2007

bag-ong tuig

....malipayong kinabuhi

....kalinaw alang sa tanan

....ug unta tunhay na akong pagpasaylo sa tanan nga naka sala nako

sori tao lang po me pride din

Friday, December 08, 2006

come baby come

Come away with me in the night
Come away with me
And I will write you a song
Come away with me on a bus
Come away where they can't tempt us
With their lies

I want to walk with you
On a cloudy day
In fields where the yellow grass grows knee-high
So won't you try to come

Come away with me and we'll kiss
On a mountaintop
Come away with me
And I'll never stop loving you
And I want to wake up with the rain
Falling on a tin roof
While I'm safe there in your arms
So all I ask is for you
To come away with me in the night
Come away with me

Wednesday, December 06, 2006

from the grave

finally i got the chance to observe/witness an exhumation/autopsy yesterday. that experience made me understand why most families of a murdered (or whatever is the cause of death) person refuse if they are asked that an autopsy will be conducted as a part of the investigation process. grabe talagang kinakatay ang tao!!! syempre di mo kakayanin yun pag kapamilya ka nung namatay kaso kelngang andun ka dahil SOP yun na me kapamilya ng biktima kapag ginagawa ang autopsy. di ko personally nakilala si ka eric ng UNORKA nung nabubuhay pa siya narinig ko lang pangalan niya sa mga ksamahan ko din sa trabaho pero finally nagkaharap na rin kami yun nga lang nasa stage of decomposition na siya.

it was a very cloudy afternoon, everybody were given a disposable face mask pananggalang sa amoy at meron ding baso ng tanduay 5 years na pinapasa pasa ng mga andun para daw dun sa mga nangangailangan ng init na dulot ng alcohol para kayaning tingnan ang proseso ng pag aautopsy. swerte ko lang at matindi ang sipon ko kaya kahit na anung gawing sunod sunod na singhot ang gawin ko eh wala akong maamoy.

astig yung assistant ng NBI doctor na kung tawagin namin eh sya yung matador dahil sya ang mismong gumagawa ng pag slice ng skin sa mukha para mailabas ang skull na lalagariin para naman matanggal ang utak at matingnan ang entry at exit wound na dinulot ng pagkakabaril ke ka eric. kung titingnan mo si matador eh para bagang wala na siyang pakiramdam kahit na tao ang kinakatay niya.

i've said to myself buti na lang at hindi naging ganun ang trabaho ko pero on second thought naisip ko rin na buti na lang pala na me mga taong willing pasukin ang ganung trabaho dhil kung hindi eh wala na sanang autopsy at kung walang autopsy eh mahihirapan ang investigation lalo na sa mga kasong bangkay na nung nakita kaya di malalaman kung ano ang ikinamatay.

oh well people really have different roles in this life for a reason at ang mga rason na yun eh equally and relatively important..

i planned to post some pics during that day kaso naisip ko baka masyadong morbid kaya wag na lang for general viewing pa naman ang blog na to!

Sunday, December 03, 2006

happy holidays

22 days na lng eh pasko na

28 days na lang eh bagong taon na naman

15 days na lang uwi na si ikabod

oh happy days..... happiness

Saturday, November 18, 2006

enchanted vacation

ace and ate ayi after that yummy spareribs

it was drizzling and we were 20 minutes early before the kingdom openened


i survived the space shuttle!!!





auntie ody bumpin' before meeting uncle sam





chillin on the only ride that is hypertension free (aside from the welcome carousel)




Wednesday, November 08, 2006

in sickness and in health

bakit mahal at mahirap magkasakit sa pilipinas?
kasi naman iilan lang ang mga pharmacy na nagbebenta ng generics! karamihan eh branded eh samantalng sa totoo lang eh pareho lang naman ang epekto ng mga gamot na yan pwera na lang kung peke ang nabili mo. me mas maliwanag na paliwanag pa tungkol sa isyu ng kamahalan ng gamot sa ating bansa andun nakasulat sa praymer na pinamigay ng free trade alliance na nasa aking mesa pa sa opisina na dahil sa dami ng hinahabol kong deadlines nitong mga nakaraang mga raw eh di ko na nabasa hanggang kober na lang.





kung ikukumpara ang mga presyo ng gamot na branded sa generics eh nasa 40-60 porsiyento din ang diperensya.

isang halimbawa na lang nito ay ang presyo ng mga anti- histamine meds. eh kung branded ang bibilhin mo eh nasa 40 pesos bawat isa samantalang kung generics eh 20 pesos lang... aba bente pesos na rin yun isang kilo na ng bigas o di kaya eh isang lata ng karne norte at isang itlog. kaya tama lang ang isang ad sa tv na talagang bawal magkasakit..... dahil kung mamalasin eh baka ikamatay mo pa ang kakapusan mo sa pera para pambili ng gamot. kaya tuloy karamihan sa ating mga pinoy eh ayun nahuhumaling sa alternative medicines mula herbal hanggang sa mga albularyo, sinasapian ng duwende, sinasapian ni inang maria, nakakausap si sto nino, mahiwagang tubig, rebultong umiiyak ng dugo, mga himala.... walang himala!

salamat na lang sa med rep na nagbigay ng libreng loratadine naka libre din kami ng mga kulang kulang 500 dahil dun.

Saturday, November 04, 2006

post anniversary post!


isang taon na pala nung natikman ko ang adobo sa adobo republic!!
salamat dun ha kahit di mo ko nilibre nun.....