Wednesday, December 06, 2006

from the grave

finally i got the chance to observe/witness an exhumation/autopsy yesterday. that experience made me understand why most families of a murdered (or whatever is the cause of death) person refuse if they are asked that an autopsy will be conducted as a part of the investigation process. grabe talagang kinakatay ang tao!!! syempre di mo kakayanin yun pag kapamilya ka nung namatay kaso kelngang andun ka dahil SOP yun na me kapamilya ng biktima kapag ginagawa ang autopsy. di ko personally nakilala si ka eric ng UNORKA nung nabubuhay pa siya narinig ko lang pangalan niya sa mga ksamahan ko din sa trabaho pero finally nagkaharap na rin kami yun nga lang nasa stage of decomposition na siya.

it was a very cloudy afternoon, everybody were given a disposable face mask pananggalang sa amoy at meron ding baso ng tanduay 5 years na pinapasa pasa ng mga andun para daw dun sa mga nangangailangan ng init na dulot ng alcohol para kayaning tingnan ang proseso ng pag aautopsy. swerte ko lang at matindi ang sipon ko kaya kahit na anung gawing sunod sunod na singhot ang gawin ko eh wala akong maamoy.

astig yung assistant ng NBI doctor na kung tawagin namin eh sya yung matador dahil sya ang mismong gumagawa ng pag slice ng skin sa mukha para mailabas ang skull na lalagariin para naman matanggal ang utak at matingnan ang entry at exit wound na dinulot ng pagkakabaril ke ka eric. kung titingnan mo si matador eh para bagang wala na siyang pakiramdam kahit na tao ang kinakatay niya.

i've said to myself buti na lang at hindi naging ganun ang trabaho ko pero on second thought naisip ko rin na buti na lang pala na me mga taong willing pasukin ang ganung trabaho dhil kung hindi eh wala na sanang autopsy at kung walang autopsy eh mahihirapan ang investigation lalo na sa mga kasong bangkay na nung nakita kaya di malalaman kung ano ang ikinamatay.

oh well people really have different roles in this life for a reason at ang mga rason na yun eh equally and relatively important..

i planned to post some pics during that day kaso naisip ko baka masyadong morbid kaya wag na lang for general viewing pa naman ang blog na to!

No comments: