Tuesday, August 29, 2006

back to work

davao na uit ako balik trabaho.... hmm kahit tambak trabaho eh ok lang (?) andami nag sabi tumaba daw ako sa isang linggong pagkawala ko sa opisina eh di kaya di lang nila napapansin dati kasi araw araw nila akong nakikita.... nywaz sana makapag bakasyon ulit ako sa negros para magkita kami ulit ng negros peeps:
  • armie: ang landlady ni ikabod na binigyan ako ng discount sa pagtulog ko dun ng ilang gabi; dahil kaya taga oroquieta ako dahil andami niya palang kakilala na taga doon o dahil likas akong mabait (walang kokontra)
  • norma at kathleen:: kasama ni armie sa bahay si norma at anka niya si kathleen na nasa grade 5 na at hanggang ngayon eh nahihiya pa rin ke ikabod; si aling norma na me kwento daw ng mga boarders sa puno ng tambis
  • yung head ng bantay dagat sa san carlos: ano nga pangalan nito ikabod? wala lang ganda lang ng ngiti nya
  • si polikoy ng vallehermoso: sana magkita na kami sa susunod na pagbalik ko dun
  • yung tumanggap ng letter para ke polikoy: hmmm ano nga pangalan nun?
  • si nanding: tinatawag nilang mayor
  • si manong tibo: pati din pala asawa niya na naging farmc lider daw dahil umihi siya nung eleksyon at pagbalik niya eh siya na ang lider (manong umihi ka lang ba talaga?)
  • si misty ng tesda: na me kinatagpong hapon sa cebu at me sikat na kwentong pulitikal
  • iba pang mga tesda people: na nagpabili sa min ng moron, nagpainom ng coke, nagpakain ng kropek, nag explain tungkol sa driving class nila, nagpatambay sa min sa opisina nila habang umuulan pa at di kami makaalis
  • si nathom: ang kwento niya tungkol sa anak niyang nasa zamboanga del norte, at ang malamig na beer.
  • si sham sham: na umaaming matabil siya, ang kanyang kantang i wanna run to you, ang galing niya sa pag explain bakit importante ang mangrove at magagalit si mayor kung itoy puputulin, at ang nakaka touch niyang iyak nung nagpaalam na akong aalis dahil mamimiss daw niya ako.
  • si manang edna: ang butihing maybahay ni mang nathom....salamat sa pagpunta sa sentro ng lali para bumili ng beer!
  • si manong fred: ang kanyang "mel" at "che", mga kwento at ang tuba!
  • mang eva: ang kwentong sinabihan siyang me kanser pero eptopic pregnancy pala
  • si manong rene: na ang unang taon sa akin eh "ilang taon ka na? hmmmm bakit kaya?
  • iba pang mga taga malusay fish loving people

sana nga eh makabalik ako ulit dun sa susunod na buwan para makakain pa ako ng mas maraming pan de coco, biko, carajay, balbacua, munggo, puto maya, ube shake, sikwate, c2 na litro blah blah blah blah.

3 comments:

ikabod said...

si nong edward yong head sa bantay dagat san carlos. dahil sa butterscotch na binigay mo kaya me discount ka kay armie, at si sham sham umiiyak pa din hanggang ngayon. nakita ko na yong tirang salonpas hehe.

che_me said...

ah oo nga pala buti na lang nabigyan ko ng butterscotch si armie sa susunod bibigyan ko ng 1 boung pack para libre na talaga at wala ng discount hehehehe eh yung alxan gel pala dinala mo ba jan sa negros?

ikabod said...

alaxan gel, pantanggal ng libag