Wednesday, November 16, 2005

crazy day!

isang tradisyon sa UP sugbu. sa week long celebration ng college days eh me nakalaang isang araw where the pipol of UP sugbu can act, talk, walk and dress crazily! opo bibigyan ka ng pagkakataon na ilabas ang topak mo (well all year round naman talaga ito) ito ay ala costume party ng mga UPIAN yun nga lang di party kaagad dahil kung me klase ka o exam eh kelngan mong puntahan yun wearing your crazy attire.

nagsisimula ang araw syempre sa pagpasok mo ng school na kung saan me mga taga APO fraternity na handang buhusan ka ng tubig na galing sa canal kung ikaw ay nakabihis matino. at dahil sinasadya ng mga teachers na magbigay ng quiz sa tuwing sasapit ang crazy day eh no choice ka kundi ang pagisipan paano ka magmukhang buang para makapasok ng campus na di mangagamoy utot.

uso sa araw na ito ang cross dressing (lalake nagbibihis babae or babae na nagbibhis lalake) uso rin ang body painting pero ang kwela ay yung mga sikat sa campus dahil everyday eh parang crazy day kung pumorma pero sa araw ng crazy day eh nagmumukhang tao at bihis na bihis, pusturang pustura at naka gel pa.

nung first year nakatapis lang ako ng tuwalya (pero syempre me shorts at tube sa ilalim ng towel) at me bitbit na tabo nung pumasok ako for a class, 7:30 pa man din ang sked ko nun. nung second year naki tema ako sa mga ka tropa ko sa boarding haus at punk kunwari kami napuno ng henna tatoo ang braso at leeg ko pati sa left cheek me henna din habang hirap akong maglakad dahil sa taas ng boots ko na hiniram namin sa mga kapitbahay naming GRO pati na rin ang super skimpy leather skirt at pawisan boung araw dahil sa mabigat na leather jacket. nung third year eh wala akong naisip kaya nireverse ko nalang ang pantalon at t shirt ko sabay gulo ng buhok at solb na nalusutan ko ang isang balde ng tubig canal. nung fourth year horror naman ang tema.

me parade sa arw na ito lahat ng mga naka crazy outfit eh maglalakad patungong ayala center at pagdating dun eh derecho ang pasok sa activity center kung saan eh me instructions muna na ibibgay gaya ng mga bwal gawin sa loob ng mall para di mawindang ang ibang mga andun. tapos lunch break. pgka 1 na eh assemble ulit sa activity center para sa isang programa. me battle of the brainless. palakihan ng wetpu at kung ano2x pa. ang pinaka finale eh ang pagbibigay ng award at ang pinkamtaas na parangal syempre ay ang craziest outfit of the year.

dinadayo ang activity na ito ng ibang schools sa cebu eh kasi kwela nga naman. pero gaya ng iba pang activities eh palagi itong tinutuligsa ng simbahan at mga women's org. laging sinasabi na yan ba daw ang nararapat na pinakikita at ginagwa ng mga iskolar ng bayan. napaka imoral!

aha morality issues! bsta para sa amin na andun at nag pparticipate sa nsabing activity eh enjoy kami at syempre npakagandang alaala sa bawat nagdaan sa UP sugbu. miss ko na mga klasmeyts ko lalo na ang inuman sa tuwing matatapos ang exam!

No comments: