Friday, October 07, 2005

viva vigan!

sa iilang araw ng leave ko eh sa banaue sana ang punta kaya lang night before the start of my vacation leave eh kumontra ang tenga ko at nagdugo me kung anong infection at hole daw sa eardrums kaya pinagbawalan ako ng doktor na umakyat ng bundok, sumakay ng eroplano, kumain ng chocolates, mag face powder, at kung anu-ano pa and so we've decided to put that banaue/sagada trip on hold until my ears will get better and agreed to visit vigan. well... kung sa mapa titingnan ang layo na ng vigan sa aking pinagmulan kumbaga eh nasa magkabilang dulo ng pilipinas na.

i enjoyed the vigan trip very much kahit na nga eh kumikirot ang tenga, grabe ang ubo at non stop ang sipon ko. vigan really is a heritage city sabi ko nga eh vintage vigan as in magmumukhang walang ka kwenta kwenta ang bahay mo kung bagong pintura ito at modern ang architectural design dahil doon mas luma eh mas sikat. kaya nga marami sa mga bagong bahay doon ang sinsadyang me tuklap kunwari ang semento ng haligi para makita ang bricks para naman eh ma in sa makalumang tema ng ciudad fernandina pero yun nga lang eh nagmumukhang tanga dahil halatang japeyk.

sa unang araw ng aking vigan trip eh diretso kaagad sa palengke para naman matikman ang mga local dishes dun at natupad naman dahil nung umaga ding yun eh nakapag papaitan at sinanglao kaagad ako. me kakanin express pa na patupat at pinipig na lang ang maalala kong mga pangalan pero everything else was equally delicious. the very first ilocano word ive learned? ADING! which i find so sweet and so amusing parang ang lambing pakinggan: ading.... ading.... hehehehe

i got the chance to visit some of the musueums in vigan me bahay ni burgos, bahay ng mga crisologo, arzobispado at of course ang mapasyalan ang famous crisologo street na kung saan nakalinya ang mga bahay na bato na me mga antique shops, tindahan ng mga pasalubong, funeraria, hotel at kung anu-anu pa sa mga ilalim ng nga bahay na ito. hinding hindi ka rin mauubusan ng masasakyan sa vigan dahil sa dami ng mg trike duun meron ding mga kalesang nag uunahan sa pag offer sayo ng masasakyan.

that may be my firts and last trip to vigan

i enjoyed the trip, the company at of kors ang pagkain!


  • empenada at okoy- nasa nakahilerang kainan sa plaza burgos pili ka lang kung sinong tindera o tondero ang type mong mag serve sa yo.
  • pinapait at sinanglao- pwedeng sa palza burgos o di kaya sa palengke either of which eh parehong masarap
  • bagnet- kung gusto mong magbayad ng ambiance eh pwede mag order nito sa sa cafe leona (along crisologo st) o di kaya eh sa cafe uno (grandpa's inn) pero karamihan sa mga taga Vigan ang nag rerekomenda ng bagnet sa palengke na talaga namang nagkalat doon pipili ka lng ulit ng tindereang type mo :)
  • pinakbet- ang nasubukan ko eh ang sa cafe uno na masarap naman
  • dinengdeng- na me 2 version: sa gaizel carenderia eh malabnaw pero masarap at sa cafe uno na malapot pero masarap din.
  • vigan longganisa- something that vigan should be proud of!
  • mango wine (me basi din sana pero di ko na natikman)
  • bibingka- medyo na weirdohan ako dahil cassava ang ginamit but then masarap din naman
  • tinubong (not so sure) - that kawayan thing na me something na matamis sa lalaim nito na hinhampas para mabuksan (di ko talaga maalala ang pangalan hehehe)

No comments: