masarap dalhin ang sarili mo sa estado na gising ka nga pero para kang wala sa kinauupuan o kinatatayuan o hinihigaan mo.... ika nga eh spaced out ka.
parang ilang segundo eh hinhayaan mo ang utak mo na wag gumana at titigan lang ang bubong o ding ding. sa maikling sandaling yun eh hindi mo iniisip ang nakatambak na trabaho, ang gutom, ang buhay mo, ang mga taong nasa paligid mo, ang gulo ng bansa......wala as in blangko!
magigising ka lang kapag meron nang nkapansin sa yo na umaatake na naman ang pagka autistic mo at tatapikin ka kung di ka man batukan. pag nangyari yun eh balik na naman sa realidad na ikaw ay nakikipaghabulan sa oras, sa buhay.
kaya uunat ka at tatayo at maghahanap ng maiinom para mahimasmasan ka sa pagkatulog ng gising. gustuhin mo mang baguhin eh hindi rin pwede iisipin mo na lang ang mga magagandang bagay na nangyari sa buhay, ang mga gusto mo pang mangyari, ang pamilya mo at ang mga mahal mong kaibigan na handang makipaghalakhakan sa yo sa kabila ng matinding pagkapagod at pagkabagot
sa huli .... ngiti.... deep breath....sabay bulong dis s da layp!
No comments:
Post a Comment