Wednesday, August 24, 2005

i-l-o-i-l-o

just arrived in ilo-ilo this morning and prior to this trip i got the chance to be home because lucky enough for me there were various things needed to be done for work somewhere near my hometown...

i can say that the people there missed me a lot with all the greetings and questions of how i am that i get from almost all people i meet while walking down the road to the highway...

well i also miss my place and the people around. i felt like i finally detached myself from the very close link of the entire neighborhood where everybody knows every details of everybody's life.... now they know nothing of whats going on with mine (except for the ended relationship with gordie) and vice versa but damn i feel good about this.... :)

this was the "low Profile chuva" ive been wanting.....

haay wala lang i owe myself an ilo-ilo-bora-miag-ao-guimaras travel log!

Wednesday, August 10, 2005

angatch

masarap dalhin ang sarili mo sa estado na gising ka nga pero para kang wala sa kinauupuan o kinatatayuan o hinihigaan mo.... ika nga eh spaced out ka.

parang ilang segundo eh hinhayaan mo ang utak mo na wag gumana at titigan lang ang bubong o ding ding. sa maikling sandaling yun eh hindi mo iniisip ang nakatambak na trabaho, ang gutom, ang buhay mo, ang mga taong nasa paligid mo, ang gulo ng bansa......wala as in blangko!

magigising ka lang kapag meron nang nkapansin sa yo na umaatake na naman ang pagka autistic mo at tatapikin ka kung di ka man batukan. pag nangyari yun eh balik na naman sa realidad na ikaw ay nakikipaghabulan sa oras, sa buhay.

kaya uunat ka at tatayo at maghahanap ng maiinom para mahimasmasan ka sa pagkatulog ng gising. gustuhin mo mang baguhin eh hindi rin pwede iisipin mo na lang ang mga magagandang bagay na nangyari sa buhay, ang mga gusto mo pang mangyari, ang pamilya mo at ang mga mahal mong kaibigan na handang makipaghalakhakan sa yo sa kabila ng matinding pagkapagod at pagkabagot

sa huli .... ngiti.... deep breath....sabay bulong dis s da layp!

Friday, August 05, 2005

ana rita supan

two years ago nakilala ko itong si richie at gaya ng naireklamo ko na sa kanya eh hindi nya ako kinausap nung una kaming magkita ewan kung mahiyain ba or dehins lng nya type na makipag chika sa amin. pero di ko na maalala kung paano kami naging close. basta one day ive found a true friendship with her.

there are a lot of things to be thankful about having rchiekins as a friend: ang matagalang ym na nagsisimula sa chika at nauuwisa usapang trabaho, minsanang telebabad, panlilibre ng food, who would forget the nice memories we've had during our bakasyon grande, ang post niya para sa akin for my birthday.......... the list goes on.... pero higit sa lahat ay ang honest to goodness friendship na meron sya for me and for everybody she call her friends.

hindi matatapos ang pasasalamat ko chie for trying to undestand me...... :)



lab yu so much anna rita!