Monday, May 23, 2005

midsayap hearing

bagot na bagot na ako sa kakahintay na matawag ang kaso ng pd naming si abo... ang matindi pa nito eh ang lakas ng putok ng aleng katabi ko sa upuan at dahil ang sikip ng court room dahil sa dami ng tao, kaya dikit na dikit sa akin ang katawan niya. sumasakit na ulo ko sa amoy at init at inis na rin ako sa nakakistorbong kulay ng lipstik nung aleng me amoy... pati tuloy ang lolo na katabi k sa kanan eh bumulong sa akin na pagsabihan ko daw si aleng mabango na pwede na kahit walang lipstik basta ba eh nkapag tawas... at para maklimutan k kahit sandali ang baho, init at pgakabagot ko eh sinulat ko sa isang pirasong papel ang drama sa loob ng korte...

1 nahatulan ng guilty for homicide (10-20 years imprisonment) -ang storya eh ni rape niya at pinatay ang isang batang babae na ayon sa tsismis ng lolo na katabi ko eh nagawa daw yun ng lalaking nasa 35 taon na ang edad eh dahil sa lasing na lasing siya kaya ayun kinantot niya ang bata at nilibing ng buhay! binaba sa homicide ng judge dahil na rin nag plea bargaining siya aaminin niya ang krimen basta wag lang isali ang rape dahil mabitay siya!

1 not gulity for illegal possesion of prohibited drugs (tama ba yun?) - 1 buntis na babae na nakatayo sa gitna ng court room habang binabasa ang naging desisyon. ang lakas ng iyak niya dahil sa takot na baka sa kulungan na niya maipanganak ang pingbubuntis niya.... buti na lang....

1 guilty for robbery- dinala niya ang 1 panel truck ng pepsi products sa probinsya niya at doon binenta ng hindi inintrego ang kita sa tunay na may-ari

1 guilty for for homicide- pinatay nila (kasama ang anak niya na nagtatago) ang kapatid niyang lalake na nagnakaw ng bunga ng saging na itinanim niya nkapag bail siya kaya di niya inasahan na makukulong siya sa araw na yun ng rereklamo pa siya na sana daw eh di niya sinout ang paboritong pink polo niya dahil sa kulungan lng naman pla ang punta niya

me isa pang abogado dun na super senior citizen na naka shades na parang ulyanin na yata... kinukulit niya ang judge na mag file daw siya ng demurrer of evidence eh samantalang ayon sa judge wala pa ngang sinumite na evidences ang prosecution... andun pa ang mga abogado sa harap na napakaingay sa pg ttsismisan!!! ang topic? ang 3 asawa ni Atty. Adil, ang kalbong legal counsel ni Abo na nagyayabang na siya daw ang ngasulat ng preamble!

sana nabagot din kayo sa pagbabasa ng blog na ito!


3 comments:

bananarit said...

kung hindi namin kasama si ikabod sa baguio ng araw ng hearing na ito, iisipin kong sya ang katabi mo na nagsabing "pwede na kahit walang lipstik basta ba eh nkapag tawas"

bananarit said...
This comment has been removed by a blog administrator.
ikabod said...

bakit hindi kasama sa kwento mo yong abugadong gusto ka sanang isabay na pauwi sa cotabato, pauwi ata sa bahay nila.