Saturday, May 07, 2005

bus # 4594

himalang nagising ako ng ala una ng umaga noong ika 3 ng Mayo ng taong ito para makapaghanda para maabutan ko ang 2 am bus na papaalis papuntang lungsod ng Dabaw galing ng San Francisco (sa Agusan) kelangan kung maging maaga para umabot sa 8 am ultimatum ng DDO ko dahil me miting kami!

akoy certified antuking traveller, tanong nyo pa kay ikabod kung ilang byahe ba na magksama kami na nagawa kong unan ang balikat nya.... pero nung umgang yun nung sakay na ako ng Rural Transit Aircon Bus eh hindi ko magawang matulog... tinakpan ko na mukha ko nung sarong na dala ko nagbabasakali na abutin ako ng antok eh wa epek pa rin kaya nakinig na lang ako sa tsismisan ng mag inang nasa likuran ko patungkol sa kabit ng kapitbahay nila habang binabaybay namin ang sira at madilim na highway ng agusan del sur

PAAAK!

at nasa ilalim na ako ng upuan sa harapan ko habang naririnig ko ang pagtatawag ng mga santo nung nanay na nasa likuran ko... ewan kung yun ba ang tinatawag na adrenalin rush... madali lang akong nakatayo mula sa kinaroroonan ko at dun ko lang nalaman na nadisgrasya na pala kami! sumalpok ang isang fish carrier na sabi nila e sira ang preno, sa bus na sinsakyan namin, nung makita ko na ang bubog ng basag na salamin ng bus at truck at ang mkapal na usok dun ko lang naramdaman na nangiginig pala ang buong katawan ko.... hinila na ako ng nanay na maingay kasama ng mga anak niya pababa dahil baka daw biglang sumabog..

mula pa noon ay di ako takot na mamatay pero iba pala ang pakiramdam kapag malapit ka na dun at mas lalo kung biglaan! ika nga eh parang nai flash sa yo ang naging buhay mo at bigla kang mapaisip na marami din palang mga bagay at tao na ma mimiss mo pag wala ka na sa lupa..... mas maigi pala ang kamatayang naplano mo (suicidal ba?) o yung npagplanuhan kahit kaunti!

buti na lang at slight ruptured muscles lang ang naabot ko... ok lang sa akin kahit namamaga pa tuhod ko at pipilay-pilay pa ako at least mula ngayon me pagkakataon pa akong magplano hehehehehe

4 comments:

bananarit said...

slight ruptured muscles? asteeg!!! pwede palang magkasya dun sa ilalim ng upuan, ano? galing! :)

ikabod said...

kapag sa byahe talaga eh hindi tayo ang dapat mag-ingat kundi mga driver ng mga sinasakyan natin, pero mag-dobleng ingat ka pa rin dahil andito na ako sa maynila at wala ka nang kasamang insomniac na sandalan at tagabantay na di ka susubsob sa pagkatulog mo sa bus.

yayamang balak mo nang magplano eh death by bagangga na lang creamy!

eyed said...

hi, che. :)ingat lagi sa mga byahe...wish ko rin isang nakaplanong pagkamatay. yung ako ang nagplano ha.

che_me said...

sa susunod nga eh pagsabihan ko na ang driver na mag ingat s byhe at tama ka i dapat tayo ang mag plano ng kamatayan natin dahil mahirap namang ibang tao ang gumawa nun di ba?