Saturday, November 18, 2006

enchanted vacation

ace and ate ayi after that yummy spareribs

it was drizzling and we were 20 minutes early before the kingdom openened


i survived the space shuttle!!!





auntie ody bumpin' before meeting uncle sam





chillin on the only ride that is hypertension free (aside from the welcome carousel)




Wednesday, November 08, 2006

in sickness and in health

bakit mahal at mahirap magkasakit sa pilipinas?
kasi naman iilan lang ang mga pharmacy na nagbebenta ng generics! karamihan eh branded eh samantalng sa totoo lang eh pareho lang naman ang epekto ng mga gamot na yan pwera na lang kung peke ang nabili mo. me mas maliwanag na paliwanag pa tungkol sa isyu ng kamahalan ng gamot sa ating bansa andun nakasulat sa praymer na pinamigay ng free trade alliance na nasa aking mesa pa sa opisina na dahil sa dami ng hinahabol kong deadlines nitong mga nakaraang mga raw eh di ko na nabasa hanggang kober na lang.





kung ikukumpara ang mga presyo ng gamot na branded sa generics eh nasa 40-60 porsiyento din ang diperensya.

isang halimbawa na lang nito ay ang presyo ng mga anti- histamine meds. eh kung branded ang bibilhin mo eh nasa 40 pesos bawat isa samantalang kung generics eh 20 pesos lang... aba bente pesos na rin yun isang kilo na ng bigas o di kaya eh isang lata ng karne norte at isang itlog. kaya tama lang ang isang ad sa tv na talagang bawal magkasakit..... dahil kung mamalasin eh baka ikamatay mo pa ang kakapusan mo sa pera para pambili ng gamot. kaya tuloy karamihan sa ating mga pinoy eh ayun nahuhumaling sa alternative medicines mula herbal hanggang sa mga albularyo, sinasapian ng duwende, sinasapian ni inang maria, nakakausap si sto nino, mahiwagang tubig, rebultong umiiyak ng dugo, mga himala.... walang himala!

salamat na lang sa med rep na nagbigay ng libreng loratadine naka libre din kami ng mga kulang kulang 500 dahil dun.

Saturday, November 04, 2006

post anniversary post!


isang taon na pala nung natikman ko ang adobo sa adobo republic!!
salamat dun ha kahit di mo ko nilibre nun.....