bagot na bagot na ako sa kakahintay na matawag ang kaso ng pd naming si abo... ang matindi pa nito eh ang lakas ng putok ng aleng katabi ko sa upuan at dahil ang sikip ng court room dahil sa dami ng tao, kaya dikit na dikit sa akin ang katawan niya. sumasakit na ulo ko sa amoy at init at inis na rin ako sa nakakistorbong kulay ng lipstik nung aleng me amoy... pati tuloy ang lolo na katabi k sa kanan eh bumulong sa akin na pagsabihan ko daw si aleng mabango na pwede na kahit walang lipstik basta ba eh nkapag tawas... at para maklimutan k kahit sandali ang baho, init at pgakabagot ko eh sinulat ko sa isang pirasong papel ang drama sa loob ng korte...
1 nahatulan ng guilty for homicide (10-20 years imprisonment) -ang storya eh ni rape niya at pinatay ang isang batang babae na ayon sa tsismis ng lolo na katabi ko eh nagawa daw yun ng lalaking nasa 35 taon na ang edad eh dahil sa lasing na lasing siya kaya ayun kinantot niya ang bata at nilibing ng buhay! binaba sa homicide ng judge dahil na rin nag plea bargaining siya aaminin niya ang krimen basta wag lang isali ang rape dahil mabitay siya!
1 not gulity for illegal possesion of prohibited drugs (tama ba yun?) - 1 buntis na babae na nakatayo sa gitna ng court room habang binabasa ang naging desisyon. ang lakas ng iyak niya dahil sa takot na baka sa kulungan na niya maipanganak ang pingbubuntis niya.... buti na lang....
1 guilty for robbery- dinala niya ang 1 panel truck ng pepsi products sa probinsya niya at doon binenta ng hindi inintrego ang kita sa tunay na may-ari
1 guilty for for homicide- pinatay nila (kasama ang anak niya na nagtatago) ang kapatid niyang lalake na nagnakaw ng bunga ng saging na itinanim niya nkapag bail siya kaya di niya inasahan na makukulong siya sa araw na yun ng rereklamo pa siya na sana daw eh di niya sinout ang paboritong pink polo niya dahil sa kulungan lng naman pla ang punta niya
me isa pang abogado dun na super senior citizen na naka shades na parang ulyanin na yata... kinukulit niya ang judge na mag file daw siya ng demurrer of evidence eh samantalang ayon sa judge wala pa ngang sinumite na evidences ang prosecution... andun pa ang mga abogado sa harap na napakaingay sa pg ttsismisan!!! ang topic? ang 3 asawa ni Atty. Adil, ang kalbong legal counsel ni Abo na nagyayabang na siya daw ang ngasulat ng preamble!
sana nabagot din kayo sa pagbabasa ng blog na ito!
Monday, May 23, 2005
Saturday, May 07, 2005
bus # 4594
himalang nagising ako ng ala una ng umaga noong ika 3 ng Mayo ng taong ito para makapaghanda para maabutan ko ang 2 am bus na papaalis papuntang lungsod ng Dabaw galing ng San Francisco (sa Agusan) kelangan kung maging maaga para umabot sa 8 am ultimatum ng DDO ko dahil me miting kami! akoy certified antuking traveller, tanong nyo pa kay ikabod kung ilang byahe ba na magksama kami na nagawa kong unan ang balikat nya.... pero nung umgang yun nung sakay na ako ng Rural Transit Aircon Bus eh hindi ko magawang matulog... tinakpan ko na mukha ko nung sarong na dala ko nagbabasakali na abutin ako ng antok eh wa epek pa rin kaya nakinig na lang ako sa tsismisan ng mag inang nasa likuran ko patungkol sa kabit ng kapitbahay nila habang binabaybay namin ang sira at madilim na highway ng agusan del sur PAAAK! at nasa ilalim na ako ng upuan sa harapan ko habang naririnig ko ang pagtatawag ng mga santo nung nanay na nasa likuran ko... ewan kung yun ba ang tinatawag na adrenalin rush... madali lang akong nakatayo mula sa kinaroroonan ko at dun ko lang nalaman na nadisgrasya na pala kami! sumalpok ang isang fish carrier na sabi nila e sira ang preno, sa bus na sinsakyan namin, nung makita ko na ang bubog ng basag na salamin ng bus at truck at ang mkapal na usok dun ko lang naramdaman na nangiginig pala ang buong katawan ko.... hinila na ako ng nanay na maingay kasama ng mga anak niya pababa dahil baka daw biglang sumabog.. mula pa noon ay di ako takot na mamatay pero iba pala ang pakiramdam kapag malapit ka na dun at mas lalo kung biglaan! ika nga eh parang nai flash sa yo ang naging buhay mo at bigla kang mapaisip na marami din palang mga bagay at tao na ma mimiss mo pag wala ka na sa lupa..... mas maigi pala ang kamatayang naplano mo (suicidal ba?) o yung npagplanuhan kahit kaunti! buti na lang at slight ruptured muscles lang ang naabot ko... ok lang sa akin kahit namamaga pa tuhod ko at pipilay-pilay pa ako at least mula ngayon me pagkakataon pa akong magplano hehehehehe |
Subscribe to:
Posts (Atom)