Sunday, March 13, 2005

magulo

minsan pag ang tao eh nababato at walang magawa maraming mga bagay, pangyayari, tanong at kung anu-ano pa ang pumapasok sa isipan merong mga alaalang nag papangiti, mga taong ayaw na sanang isipin ngunit ewan at naaalala at merong mga tanong na gustong sagutin... minsan pa pag inabot ng topak eh naiiyak na wala namang rason o di kaya hinhanapan na lamang ng rason kapag nasimulan nang patuluin ang luha.... maraming mga salitang nasabi o sinabi sa yo na pinag iisipan mo kung bakit mo na nasabi o kung bakit mo sinabi? hanggang naguguluhan ka at maisipan mo na maghanap nang pwedeng gawin..... maliligo?....manood ng tv?... punta sa mall? mag..... ah ewan!

bakit ba di mo masabing ayaw mo na samantalang yun naman ang gusto mong mangyari at pag nasabi mo na ikakasaya mo ba eto o pagsisisihan lang? bakit mo nasabing yun ang mangyayri smantalng di mo pa naman alam kung yun ba talaga ang mangyayari?

talaga nga sigurong merong hiwaga ang buhay merong dahilan kung bakit me mga bagay na di mo malalaman sa unahan para di mo na sana pagsisihan sa huli.....